20 August 2025
Calbayog City
Metro

Pumping Station sa Quezon City na itinayo ng DPWH sa Non-Building Area, pinagigiba ng LGU

INIREKOMENDA ng Quezon City LGU sa Department of Public Works and Highways na alisin na ang itinayong Matalahib Creek Pumping Station sa Barangay Talayan sa District 1 sa lungsod. 

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, base sa pag-aaral ng QC Department of Engineering, ang naturang proyekto ay itinayo sa “Non-Building Area,” na labag sa Water Code at Civil Code kaugnay sa “easement of waterways.” 

Dahil sa naturang Pumping Station, nahaharangan ang daloy ng tubig sa Creek mula sa mga barangay papuntang San Juan River. 

Sa pakikipagpulong ni Belmonte sa DPWH-NCR kinwestyon ang hindi pakikipag-ugnayan ng kagawaran sa LGU bago isakatuparan ang proyekto na malinaw na paglabag sa Project Coordination Ordinance ng lungsod.

Ayon din sa isinagawang Hydraulic Analysis, noong nakaraang buwan ng hunyo naging sanhi ng pagbabaha sa distrito ang proyektong ito ng DPWH kahit hindi naman malakas o hindi tuluy-tuloy ang pag-ulang naranasan.

Inirekomenda ng QC LGU sa DPWH na ang balanse na 250 million pesos na pondo ng proyekto ay ilaan na lamang sa pagpapatayo ng Detention Basin na may kapasidad na 65,400 cubic meters at nakaayon sa QC Drainage Masterplan.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.