Isang pulis na nakatalaga sa Calbayog City Police Station ang pinagbabaril 11:30 ng gabi ng Agosto 11, 2023 sa Road 18, Phase 1, Narcisa Subdivision, Purok 6 Brgy. Rawis, Calbayog City, Samar.
Nakilala ang biktima na si PSSg Philip Ray Alcazar, 46 na taong gulang at residente ng Brgy. 7-3 Tres De Abril St. Cebu City.
Nabatid sa inisyal na imbestigasyon na bago ang nasabing insidente, nag-iinuman ang biktima at ang kanyang kaibigan.
Nagpaalam ang biktinang umuwi at naglakad palabas ng gate patungo sa kanyang service na Mitsubishi pick-up na kulay itim.
Sa pagkakataong iyon, dalawang (2) hindi pa nakikilalang lalaki ang biglang sumulpot at pinagbabaril ang biktima gamit ang kalibre .45 na pistol.
Nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at ulo na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.
Na-recover ng mga otoridad sa pinangyarihan ng krimen ang dalawampu’t anim (26) na fired cartridge cases (FCC), dalawang (2) fired bullet at dalawang (2) bala.
Dinala ang labi ng biktima sa Bornek Funeral para sa autopsy/post mortem examination.
Agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga duty motorcycle at mobile patroller para sa posibleng pagkakaaresto sa mga tumatakas na suspek.
Patuloy ang imbistigasyon sa motibo ng pagpaslang sa biktima.