7 July 2024
Calbayog City
Metro

Pulis, kabilang sa tatlong suspek na inaresto ng SPD dahil sa pagbebenta ng mga baril

KABILANG ang isang pulis sa tatlong suspek na naaresto ng Southern Police District dahil sa pagbebenta ng mga baril na ang isa ay mayroon pang AFP markings.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang isang M16 rifle at isang Glock Pistol na may marka ng AFP.

Ibinenta umano ang M16 sa halagang 250,000 pesos habang 90,000 pesos ang presyo ng Glock.

Mayroon pang nasamsam na isa pang handgun, iba’t ibang bala at cellphones, police IDs, at iba pang paraphernalia.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.