IPINAREREPASO ni pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang E-Visa System para sa mga Indian Nationals.
Nais ni pangulong Marcos na gawing madali ang proseso ng E-Visa para makatulong na mapalakas ang turismo sa bansa.
Ginawa ni pangulong Marcos ang utos sa ika-anim na Private Sector Advisory Council (PSAC) Tourism Sector Group meeting sa palasyo ng Malakanyang.
Sa kasalukuyang E-Visa System, obligado ang mga Indian nationals na magkaroon ng personal appearance sa Philippine Embassy sa New Delhi.
Inirekomenda naman ni Lucio Tan III, LT Group President at Chief Executive Officer at miyembro ng PSAC-TSG na magkaroon na lamang ng third party service provider para magpatakbo sa E-Visa System.
Nasa Beta Testing pa lamang ngayon ang E-Visa System at mga walk-in pa lamang ang tinatanggap sa New Delhi.