UMABOT na sa 30,000 katao ang bumisita sa Manila North Cemetery araw ng Linggo, Oct. 26 – isang Linggo bago ang paggunita sa All Saint’s Day.
Ayon sa pamunuan ng sementeryo, marami ang nagpasyang bumisita ng mas maaga sa puntod ng kanilang yumaong mahal sa buhay.
ALSO READ:
Mahigit 200 pulis, ide-deploy para sa 2025 MMFF parade ngayong Biyernes
Guro sa Maynila, inaresto dahil sa umano’y pagbabanta at pamimilit sa 1 estudyante na kumain ng ipis
MMDA nabahala sa tambak na basura sa pumping stations ilang araw bago ang Pasko
MMDA, magpapatupad ng Lane Closure at Stop-And-Go Scheme sa Makati sa Dec. 19 para sa MMFF 2025 Parade
Karaniwan kasing Oct. 28 o 29 nagsisimula ang pagpunta ng publiko sa sementeryo kada taon.
Ayon sa Management ng Manila North Cemetery, dahil sa idineklarang Wellness Break ng Department of Education, maaaring mas marami ang maagang makabisita sa sementeryo dahil sasamantalahin nila habang walang pasok ang mga mag-aaral.
