Handa si Philippine Sports Commision (PSC) Chairman Richard Bachmann (bak-man) na makipag-usap sa Philippine Olympic Committee (POC) at Commission On Audit (COA) upang hanapan ng solusyon ang kontrobersyal na unliquidated issue mula sa 1998 Asian Games.
Ginawa ni Bachmann ang pahayag makaraang soplahin ni POC President Abraham Tolentino ang PSC kaugnay ng pag-isyu ng notice hinggil sa unliquidated balance na 10 million pesos na nangyari dalawampu’t limang taon na ang nakalilipas.
Nilinaw ng PSC Chief na ang COA mismo at hindi ang government sports body ang nag-isyu ng naturang liham.
Binigyang diin din ni Bachmann na maging siya ay nakatatanggap din ng notices mula sa COA kaugnay ng unliquidated matters mula sa iba’t ibang National Sports Association.