6 December 2025
Calbayog City
National Tech

PSA at DICT, hinimok ang mga Pilipino na i-maximize ang digital National ID

psa digital national id

Inilunsad kahapon ng Philippine Statistics Authority (PSA) at Department of Information and Communication Technology (DICT) ang Digital National ID para hikayatin ang mga Pilipino na i-optimize ang mga benepisyo nito.

Ito ang digital na bersyon ng National ID, na naglalayong gawing simple ang mga transaksyon sa gobyerno at pananalapi.

Ayon kay PSA Undersectary, Claire Dennis Mapa. “While you dont have the physical card, you have the digital ID, you can download and use it, di na kailangan ang physical card para makapag transaksyon kasi the digital card is sufficient.”

Sa ngayon, tumatanggap na ng digital national ID ang ilang ahensya ng gobyerno gaya ng DTI, Philhealth, at GSIS.

Kinikilala din ng apat na bangko at e-wallet na GCash ang mga digital national ID sa mga transaksyon.

kuya pao

Author
A former Supervisor of BPO/Call center at Sykes Asia Inc. who has an interest in the new technologies. During his free time he loves to cook.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *