24 June 2025
Calbayog City
National

Solar-Powered Pump Irrigation Project, pinasinayaan sa Isabela

PINASINAYAAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang bago at pinakamalaking Solar-Powered Pump Irrigation Project sa Brgy. Cabaruan, Quirino, Isabela.

Umaasa si Pangulong Marcos na ngayong natapos na ang proyekto, mapapataas na ang produksyon ng produktong agrikultura sa lugar dahil sa maayos na ang irigasyon.

Nasa P65.77 milyon ang inilaang pondo sa proyekto na sinimulang gawin noong Hulyo 2023 at natapos noong  Pebrero 2024.

Binubuo ang pumping station ng 1,056 solar panels at kayang makabuo ng total wattage output ng 749,200 watts, may dalawang unit ng submersible pumps na may output discharge capacity na 12,800 gallons per minute.

Kaya nitong bigyan ng irrigation water service ang nasa 350 na ektaryang lupang sakahan.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *