ISINUKO ng umano’y leader at dalawang miyembro ng private armed group (PAG) ang kanilang mga baril sa mga awtoridad sa San Antonio, Nueva Ecija.
Sinabi ni PNP Spokesperson, Police Brig. Gen. Jean fajardo, na itinurnover ang mga baril sa Nueva Ecija Police Provincial office noong biyernes.
ALSO READ:
Bilang ng mga nasawi sa gumuhong landfill sa Cebu, lumobo na sa 25
Day of Mourning, idineklara ng Cebu City para sa mga biktima ng pagguho sa Binaliw landfill; death toll, umakyat na sa 20
DSWD, patuloy ang repacking ng food packs para sa mga pamilyang apektado ng Mt. Mayon
8 taong gulang bata, pinatay sa saksak sa San Pablo City sa Laguna
Idinagdag ni Fajardo na nais patunayan ng lider ang pagnanais nito na maayos ang kanilang mga problema sa lalawigan.
Kabilang sa mga isinuko ang kalibre kwarenta’y singko, colt .380 pistol, black m16 rifle, 12-gauge shotgun, ilang magazines, at iba’t ibang rounds ng mga bala.
