20 May 2025
Calbayog City
Overseas

US President Donald Trump, magpapatupad ng 25% tariff sa steel at aluminum imports

INANUNSYO ni US President Donald Trump na magpapatupad siya ng panibagong taripa ngayong linggo, kabilang ang 25% sa lahat ng steel at aluminum imports.

Sinabi ni Trump na plano niyang magpataw ng “reciprocal tariffs” sa mga bansa na kasalukuyang pinapatawan ng buwis ang US imports.

Hindi naman tinukoy ng US President ang mga tina-target na bansa, o kung mayroon mang exemptions.

Ang Canada at Mexico ay dalawa sa pinakamalaking steel trading partners ng Amerika.

Ang Canada rin ang pinakamalaking supplier ng aluminum sa US.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).