27 March 2025
Calbayog City
Business

Agriculture Chief, nangakong aayusin ang pag-a-angkat ng sibuyas

TINIYAK muli ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. Sa mga lokal na magsasaka na epektibo nitong tutugunan ang importasyon ng sibuyas.

Aminado si Laurel na hindi siya magsasaka at hindi rin importer, subalit kalihim siya ng Department of Agriculture at tungkulin niyang pangasiwaan ang sitwasyon.

Hinimok ng DA Chief na huwag mabahala, kasabay ng pagsasabing hindi pwedeng wala siyang gawin, at maghintay lamang kung kailan mag-a-ani ang mga magsasaka.

Binigyang diin ni Laurel na ang 7,000 ton na kakapusan sa supply ng sibuyas ngayong pebrero at importasyon ay isang “tactical move,” kasabay ng pagtiyak na mag-a-angkat lamang ang pamahalaan ng limitadong dami upang mapunan ang kakulangan.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).