7 July 2025
Calbayog City
Local

Presyo ng basic goods sa Eastern Visayas, binabantayan ng DTI

MAHIGPIT na mino-monitor ng Department of Trade and Industry (DTI) ang presyo ng basic goods sa buong Eastern Visayas, kasunod ng implementasyon ng Price Freeze.

Kasunod ito ng deklarasyon ng State of Calamity ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na epektibo noong June 5.

Ang deklarasyon ay para mapabilis ang rehabilitasyon sa San Juanico Bridge at maibsan ang abala sa mga residente ng Samar at Leyte.

Isinasagawa ng DTI ang Daily Price at Supply Monitoring ng basic neccessities sa Trading Centers, pati na sa mga lungsod at munisipalidad sa buong rehiyon.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).