LUMAWAK pa ang presensya ng red tide sa Samar Island kung saan siyam na bay o look na ang apektado ng nakalalasong organismo.
Sa advisory ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), na-detect ang red tide sa Villareal Bay sa Villareal, Samar.
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
11th Local School Board Meeting sa Calbayog City, tumutok sa Sports Development at Youth Empowerment
Northern at Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Uwan
Noong nakaraang linggo ay inihayag ng bfar na walong look ang kontaminado ng red tide toxins, na ang ilang bahagi ng dagat ay nakitaan ng red discoloration.
Una nang na-detect ang red tide sa Daram Island; Zumarraga Island; Maqueda Bay sa mga bayan ng Jiabong, Motiong, Paranas, San Sebastian, Calbiga, Pinabacdao, at Hinabangan; Cambatutay Bay sa Tarangnan; Irongirong Bay sa Catbalogan City; at Coastal Waters ng Calbayog City, na lahat ay matatagpuan sa Samar Province.
Sa Eastern Samar naman, apektado rin ng red tide ang Coastal Waters ng Guiuan; at Matarinao Bay sa mga bayan ng General Macarthur, Quinapondan, Hernani, at Salcedo.
