NAKALIKOM ang Micro, Small and Medium Enterprises sa Leyte ng 6.2 million pesos na kita, sa limang araw na Pre-Christmas Trade Fair sa Tacloban City.
Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) Provincial Office, lagpas ito sa goal na 5.82 million pesos.
16 na pulis, inalis sa pwesto bunsod ng umano’y pag-iinuman sa loob ng istasyon sa Eastern Samar
DPWH, pinayagan ang pagtawid ng 30-ton trucks sa San Juanico Bridge tuwing gabi
Mahigit 600 senior citizens, nakinabang sa Oquendo Social Pension Payout
Eastern Visayas, nagtala ng mababang Inflation Rate ngayong taon
Sinabi ni DTI Leyte Provincial Director Faustino Gayas Jr. na kasama sa sales performance ang 4.019 million na cash transactions, 1.916 million pesos na booked orders, at 26,720 pesos na under negotiation.
Apatnapu’t dalawang MSME exhibitors na binubuo ng 37 regular participants at limang MSMEs sa ilalim ng market testing ang lumahok sa Trade Fair noong Dec. 11 hanggang 15 sa Robinsons Place Tacloban.
Ang sales event ay bahagi ng “Layag” Leyte Trade Fair na isang marketing brand na inilunsad noong June 2023.
