SINIMULAN ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang kanyang ikalawang termino sa pamamagitan ng pagdalo sa Post-Brigada Eskwela 2025 Conference sa Schools Division of Calbayog Conference Room, kahapon.
Tinalakay sa naturang conference ang mga concerns, issues, at mga pangangailangan na natukoy sa nakalipas na Brigada Eskwela, at inilahad ng mga pinuno ng mga paaralan.
ALSO READ:
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Binigyang diin ni Mayor Mon ang kanyang commitment upang mapagbuti ang mga imprastraktura, partikular ang road access sa malalayong eskwelahan.
Ipinaliwanag ng alkalde na sa pamamagitan nito ay magagarantiyahan ang kaligtasan ng mga guro at mas bibilis ang kanilang biyahe patungo sa mga paaralan at pauwi sa tahanan para magkaroon ng mas maraming oras sa kanilang pamilya.
