IGINIIT ng grupo ng importers na port congestion ang dahilan kaya nade-delay ang pag-unload ng frozen meat na maaring magresulta sa pagtaas ng presyo ng naturang produkto.
Sinabi ni Meat Importers and Traders Association President Emeritus Jesus Cham, na isa sa mga dahilan ng pagsisikip sa mga daungan ay hindi agad nire-release at ina-unload ang mga container.
Noong nakaraang linggo ay binanggit ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na kailangang dagdagan ang mga port upang mapabilis ang pagbaba ng imported farm products.
Inihayag ni Cham na dagdag din sa delay ang requirement na dapat ay mayroong mga seal mula sa National Meat Inspection Service, at Bureau of Customs ang shipments.