NANAWAGAN si Pope Francis na tapusin na ang mga pag-atake at karahasan sa Israel at Gaza, sa pagsasabing hindi sagot ang terorismo at digmaan sa anumang problema, bagkus ay magdudulot lamang ito ng pagdurusa at kamatayan ng mga inosenteng tao.
Sa kanyang weekly address sa mga deboto sa St. Peter’s Square, sinabi ng santo papa na nakikisimpatya siya sa mga nakararanas ng takot at pangamba sa Israel.
Ipinaabot din ni Pope Francis ang kanyang pakikiisa sa mga kaanak ng mga biktima, at ipinagdarasal ang lahat ng nakararanas ng panganib at paghihirap.
Noong sa Sabado ay inatake ng Palestinian gunmen ang mga bayan ng Israel na naresulta sa pagkasawi ng dalawandaan limampung israelis habang mahigit tatlundaang Palestinians ang namatay nang gumanti ang Israel.