8 July 2024
Calbayog City
National

Pope Francis, nag-alay ng panalangin sa mga biktima ng pagsabog sa Marawi City

pope francis

Nag-alay ng dasal si Pope Francis para sa mga biktima ng pag-atake sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City.

Ang nasabing insidente ay ikinasawi ng 4 na katao at ikinasugat ng mahigit 50 iba pa.

Sa pamamagitan ng kaniyang X account, sinabi ni Pope Francis na ipagdarasal niya ang mga biktima ng pagsabog na naganap sa kasagsagan ng idinaraos na misa.

Binanggit din ni Pope Francis na marami nang mga paghihirap na naranasan ang mga pamilya sa Mindanao.

Ang misa noong umaga ng linggo (Dec. 3) ay dinadaluhan ng mga estudyante at faculty members ng MSU.

Ang nangyari ay inilarawan ng Philippine Army bilang “terror act”.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *