INANUNSYO ng Vatican na kinansela ni Pope Francis ang kanyang scheduled appointments bunsod ng mild flu.
Sinabi ng Vatican, na ginawa ng walumpu’t pitong taong gulang na Santo Papa ang desisyon bilang precautionary measure kaugnay ng kanyang planong apat na araw na biyahe patungong Luxembourg at Belgium, subalit wala ng ibinigay na iba pang detalye.
ALSO READ:
2 katao, patay sa pagbagsak ng 1 pang crane sa Thailand
Mahigit 30, patay matapos bumagsak ang crane sa pampasaherong tren sa Thailand
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Nakatakdang umalis si Pope Francis para sa kanyang 46th Foreign Visit bilang Santo Papa sa huwebes, wala pang dalawang linggo mula nang bumalik mula sa labindalawang araw biyahe sa apat na bansa sa Southeast Asia at Oceania.
Sa ngayon ay regular nang gumagamit si Pope Francis ng wheelchair bunsod ng pananakit ng tuhod at likod.
