NANAWAGAN si Eastern Samar Gov. Ben Evardone sa national government na magtatag ng komprehensibong polisiya sa college internship na may dedicated budget allocations.
Kasabay nito ay ang pagbibigay diin ng kahalagahan ng paglikha ng mga de-kalidad na graduates.
Naniniwala si Evardone na sa pamamagitan ng national policy sa college internships ay magkakaroon ng malaking ambag sa sistema ng edukasyon sa bansa.
Binigyang diin ng gobernador ang papel ng internships sa human resource development, job matching, networking, at overall economic contribution.