28 April 2025
Calbayog City
Metro

Polisiya na nagpapataw ng limitasyon sa bagaheng ipapasok sa mga tren ng MRT-3 sinuspinde ng DOTr

dotr mrt 3
MRT-3 / MARCH 18, 2025 Commuters ride the train at MRT-3 North Avenue Station in Quezon City on Tuesday, March 18, 2025. Department of Transportation (DOTr) have directed the MRT-3 management to extend its evening operations by an hour to help commuters during peak and rush hours. INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Sinuspinde ng Department of Transportation (DOTr) ang polisiya nito na nagpapataw ng limitasyon sa hand-carried luggage sa MRT-3.

Ayon sa pahayag ng DOTr, nakarating kay Secretary Vince Dizon ang luma nang polisiya ng MRT-3.

Kinuwestyon ni Dizon ang polisiya at inatasan si MRT-3 General Manager Michael Capati na suspendihin ito at isailalim sa review.

Sa gagawing review tiniyak ng DOTr na ikukunsidera ang pangangailangan ng mga commuter,

Sa ilalim ng nasabing polisiya, ipinagbabawal sa mga tren ng MRT-3 ang pagdadala ng bagahe na lagpas sa 2ftx2ft ang laki.
Inulan naman itong ng batikos at may mga nagbanggit na sa ibang mga bansa, ang mga tren ay ginagamit ng mga pasaherong magtutungo sa paliparan kaya naisasakay nila ang kanilang mga bagahe.

May ilan ding tinawag na “anti-poor” ang nasabing polisiya ng MRT-3.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.