TINIYAK ng Police Regional Office 8 ang suporta sa bagong pamunuan ng Philippine National Police.
Sa pahayag ay nagpaabot din si PBGen Jason Capoy, Regional Director ng PNP Region 8 ng pagbati at suporta kay Police Lt. Gen Jose Melencio Nartatez Jr. Na itinalaga bilang Officer-in-Charge ng PNP.
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Ayon sa pahayag ni Capoy, nagkakaisa at may dedikasyon na ipinaaabot ng PRO 8 ang suporta sa mga direktiba at programa ng pamunuan ng PNP upang higit pang mapalakas ang kampanya laban sa kriminalidad, katiwalian, at terorismo.
Nagpasalamat naman ang PRO 8 kay Dating PNP Chief General Nicolas Torre.
Ipinaabot ni Capoy ang pasasalamat sa naging pamumuno ni Torre at sa paggabay at suporta nito sa mga adhikain ng buong PNP patungo sa mas ligtas at mapayapang Eastern Visayas.
