8 July 2024
Calbayog City
National

PNP tiniyak na walang mangyayaring whitewash sa kaso ng teenager na pinaslang ng mga pulis sa Navotas

PINAWI ng Philippine National Police ang pangamba ng publiko na magkaroon ng whitewash sa isinasagawang imbestigasyon sa kaso ng pagpaslang ng ilang pulis sa Navotas sa disi syete anyos na binatilyo matapos mapagkamalang suspek.

Sinabi ni PNP Spokesperson, Police Col. Jean Fajardo na walang iba kundi si PNP Chief, Police General Benjamin Acorda Jr. mismo ang nangako na bibigyan ng katarungan ang biktima at ang mga sangkot na pulis ay masasampahan ng kaso, partikular ng administrative case na magreresulta sa agaran nilang pagkakasibak sa serbisyo.

Noong Aug. 2, ay pinagbabaril ng mga pulis ang biktimang si Jemboy Baltazar sa barangay NBBS Kaunlaran habang naghahanda sa bangka para mangisda.

Napagkamalan umano ng mga pulis na nagsasagawa ng follow-up operation ang teenager bilang suspek sa pamamaril na nangyari nang nagdaang gabi kaya pinaputukan nila ito matapos tumalon sa ilog.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *