IPINAG-utos ng liderato ng Philippine National Police (PNP) na masusing imbestigahan ang pagpaslang sa broadcaster-turned-municipal councilor na si kay Gerry Campos, sa Surigao Del Sur.
Sinabi ni PNP Acting Chief Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na kailangang ma-establish ang motibo sa krimen, sa kabila nang naaresto na ng mga awtoridad ang salarin.
ALSO READ:
5 hinihinalang miyembro ng NPA, patay sa engkwentro sa Lagonoy, Camarines Sur
Bulkang Kanlaon sa Negros, muling nagbuga ng abo
Batang babae, nailigtas mula sa nasawing hostage taker sa Marawi City
Mag-amang namaril sa Bondi Beach sa Australia, halos hindi lumalabas sa kanilang hotel room sa Davao habang nasa Pilipinas
Noong Sabado ay sinaksak ng kwarenta’y dos anyos na suspek ang biktima habang naglalakad malapit sa gasolinahan sa Barangay Sta. Cruz.
Si Campos ay nagsilbing direktor ng Radio Mindanao Network sa Butuan City at manager ng Radyo Serbato sa Butuan City bago nanalong konsehal sa bayan ng Marihatag.
