Bumisita sa Calbayog City si PNP Chief Gen. Benjamin C Acorda Jr. upang bisitahi ang mga pulis na nasugatan at nasawi sa engkwentro sa mga Ampoan Criminal gang noong Enero 30, 2023 sa Brgy Mahayag, Ata. Margarita, Samar.
Nagtungo si Acorda sa ospital at ginawaran ng Medalya ng Kadakilaan at Medalya ng Sugatang Magigiting na sina PCorporal Ronel P. Pedamato, PCpl Mark Jason I. Sixta, Pat Ham Kritnere H Capalis at Pat Mark Redoblado.
Nagtungo din si Acorda sa St. Peter Memorial Chapel kung saan nakaburol ang mga labi ng mga nasawing pulis na sina PMSg Paul T. Paclibar, PSSg Christian D. Tallo at PCpl Eleazar D. Estrelles Jr.
Ginawaran ang tatlong pumanaw na pulis ng Medalya ng Kadakilaan o Medal of Valor.
Matapos ito ay nagtungo si Acorda sa Calbayog City Sports Center kung saan iprinisenta sa kaniya ang mga nakuhang ebidensya sa pinangyarihan ng engkwentro.
Ayon kay Acorda, “nakakalungkot na tatlong pulis ang nag-alay ng kanilang buhay.
Samantala, naging emosyonal din si Acorda sa pagbibigay ng kanyang mensahe sa mga sakripisyong ginagawa ng kapulisan para sa bayan na aniya ay minsan hindi nakikita ng iba.