Umakyat na sa mahigit 941 million pesos ang halaga ng pinsala sa agrikultura bunsod ng epekto ng El Nino phenomenon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa pinakahuling report, sinabi ng NDRRMC na tinaya sa 941,730,702 ang naluging produksyon at halaga ng pinsala sa mga pananim.
Batay sa tala, ang Western Visayas ang may pinakamalaking halaga ng agricultural damage na nasa mahigit 564 million pesos.
Sinundan ito ng mga rehiyon ng Mimaropa, Ilocos, Calabarzon, at Zamboanga.