May handog na Libreng Sakay ang MRT-3 at LRT-2 sa mga solo parent ngayong araw, April 26.
Ito ay bilang pakikiisa ng Department of Transportation (DOTr) sa pagdiriwang ng National Solo Parents Day.
Ang mga solo parent ay maaaring maka-avail ng Libreng Sakay sa MRT-3 at LRT-2 mula 7:00 hanggang 9:00 ng umaga at 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.
ALSO READ:
Driver ng kotse na nabagsakan ng estudyante sa EDSA, pinalaya ng mga awtoridad
Lalaki, patay matapos tumalon mula sa FPJ Station ng LRT-1 sa Quezon City
Presyo ng mga bulaklak sa Dangwa sa Maynila, nagsimula ng tumaas bago ang Valentines Day
2 gwardya sa Intramuros, timbog sa pananakit sa menor de edad
Kinakailangan lamang magpakita ng valid Solo Parent Identification Card (SPIC) o Solo Parent Certificate of Eligibility sa station security personnel sa mga istasyon ng tren.
