Binigyan ng exemption ng Commission on Elections (Comelec) sa 45-day election spending ban ang P20 per kilo Rice Project ng Department of Agriculture (DA).
Sa Comelec Memorandum No. 25-07984, inaprubahan ang hiling ng DA na bigyan ng exemption sa spending ban ang P5-billion na pondo na inilaan para sa pagbebenta ng P20 per kilo ng bigas.
ALSO READ:
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Ipinaliwanag naman ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na ang mga local government units (LGUs) na bibili ng bigas sa ilalim ng nasabing proyekto ng DA ay kailangang mag-apply din ng exemption sa Comelec. Bago ito ay binigyan din ng exemption ng Comelec sa election spending ban ang programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na Ayuda para sa Kapos ang Kita (AKAP) Program.
