Umakyat na sa 151.3 million pesos ang halaga ng agricultural damage sa Western Visayas at Zamboanga peninsula bunsod ng umiiral na El Niño phenomenon, ayon sa task force el niño.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Assistant Secretary Joel Villarama, tagapagsalita ng task force, na ang regions 6 at 9 ang pinaka-apektado ng El Niño, partikular ang may apat na libong magsasaka.
Aniya, siyamnapu’t tatlong porsyento ng pinsala ay sa bigas habang anim na porsyento naman sa mais.
Idinagdag ni Villarama na ang apat na libong magsasaka na direktang naapektuhan ay makatatanggap ng tulong mula sa Department of Agriculture at Department of Social Welfare and Development.