NAGTAPOS sa pang-walo ang Filipino Olympic Pole Vaulter na si EJ Obiena sa indoor season ng Mondo Classic sa Uppsala, Sweden.
Bigo ang world no. 4 pole vaulter na ma-clear ang 5.80 meters, at nakapagtala lamang ng 5.65 meters sa kanyang final indoor tournament.
ALSO READ:
Tim Cone, pinuri ang teams ng Gilas Men and Women sa nakamit na tagumpay sa SEA Games
Team Philippines, naging matagumpay pa rin sa paglahok sa SEA Games kahit kinapos sa target
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Olympians na sina Eumir Marcial at Aira Villegas, umusad sa Boxing Finals sa SEA Games
Bagaman madaling natawid ni Obiena ang 5.50 at 5.65 meters, ginamit niya ang lahat ng tatlong attempts para sa 5.80 meters subalit kinapos pa rin.
Muling namayagpag sa naturang tournament si World No. 1 Armand Duplantis ng Sweden, pumangalawa si Emmanouil Karalis ng Greece, at pangatlo si Sam Kendricks ng US.
