22 April 2025
Calbayog City
Entertainment

Veteran actress Delia Razon, pumanaw sa edad na 94

PUMANAW na ang veteran actress na si Delia Razon sa edad na 94.

Ang pagpanaw ng beteranang aktres ay inanunsyo ng kanyang apo na si Carla Abellana, sa pamamagitan ng Instagram, kahapon.

Sa post ni Carla, binawian ng buhay ang kanyang lola noong Sabado, March 15.

Sa kasalukuyan ay hindi pa isinisiwalat ng pamilya ang dahilan ng pagpanaw ng veteran actress.

Tumagal ang karera ni Delia o Lucy May Grytz-Reyes sa totoong buhay, sa loob ng mahigit animnapung taon at bumida sa mga pelikula, gaya ng “Rodrigo De Villa” at “Mutya ng Pasig,” at iba pa.

Ikinasal siya kay Aurelio Reyes, at ang kanilang anak na si Rhea ay ina ni Carla.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).