HUMINGI ng paumanhin ang Filipino Pole Vaulter at World No. 2 na si EJ Obiena matapos kapusin sa kanyang kampanya sa 2024 Paris Olympics.
Nagtapos si Obiena sa ika-apat na pwesto sa pole vault finals makaraang ma-clear ang 5.90 meters, na kaparehong height na na-clear ng pambato ng Greece na nagkamit ng bronze medal.
ALSO READ:
Pinoy jet ski racers, nakasungkit ng medalya sa WGP-1 Waterjet World Cup 2025 sa Thailand
Tim Cone, pinuri ang teams ng Gilas Men and Women sa nakamit na tagumpay sa SEA Games
Team Philippines, naging matagumpay pa rin sa paglahok sa SEA Games kahit kinapos sa target
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Gayunman, kinapos para sa medalya si Obiena dahil mas kaunti ang attempts ng katunggaling Griyego kumpara sa kanya.
Sa social media post, inilarawan ni Obiena ang pagiging pang-apat sa sports na may tatlong podium places, bilang “harshest place to be” o pinakamasakit na lugar.
