NAGSAMA sa isang entablado ang K-Pop Star na si Sandara Park at “Kings of P-Pop” na SB19 sa ACER Day 2024 sa Mall Of Asia Arena.
Nag-perform sina Sandara at SB19 ng kanilang collaboration song na “Reset” na labis na ikinatuwa ng mga manonood.
ALSO READ:
Lea Salonga, inaming hiwalay na sila ng mister na si Robert Chien
Willie Revillame, ipinaliwanag kung bakit hindi ipalalabas sa TV5 ang “Wilyonaryo”
Italian fashion designer na si Valentino, pumanaw sa edad na 93
Pagbibigay ng bulaklak at tsokolate ni Mark Leviste kay Kris Aquino, WALANG isyu sa kanyang girlfriend na si Aira Lopez
Sinabi ni Pablo na siyang lider ng P-Pop group na hindi sila nahihirapang mag-english kapag kasama nila si Sandara dahil napaka-fluent pa rin nitong mag-tagalog.
Sa bahagi naman K-Pop Star, inamin niya na fan din siya ng SB19 at sumasayaw din siya ng “Gento.”
Bukod sa SB19, nagkaroon din ng production number si Sandara sa P-Pop Girl Group na G22, sa pamamagitan ng kantang “In Or Out” ng K-Pop Star.
Nakasama rin ng SB19 ang G22 nang kantahin at sayawin nila ang “Limitless.”
