NAGHAHANDA na ang Filipina tennis sensation na si Alex Eala para sa kanyang Grand Slam Main Draw debut sa French Open na magbubukas sa Mayo.
Sinabi ng disi nueve anyos na Pinay na umakyat sa No. 73 sa World Rankings, na malaking achievement na makapagsimula sa Main Draw.
ALSO READ:
2025 Batang Pinoy Games, All Systems Go na sa General Santos City, sa kabila ng naramdamang lindol
NLEX, natakasan ang San Miguel sa PBA Season 50 Philippine Cup
Imports at Fil-Foreign players, binigyan na ng Go signal para makapaglaro sa PVL Reinforced Conference
Pinay Tennis Ace Alex Eala, handang pangunahan ang Team Philippines sa Thailand SEA Games
Aniya, mabibigat man ang mga pagsubok ay mas malaki naman ang magiging pakinabang.
Para makuha ang outright spot sa Main Draw ng Roland Garros, kinailangan ni Eala na malagpasan si Katie Volynets ng US sa round 64 ng Miami Open.
Pinayuko rin ni Eala ang Grand SLam Champions na sina Dating French Open Champ Jelena Ostapenko, Reigning Australian Open Champ Madison Keys, at World No. 2 Iga Swiatek sa mga sumunod na round ng Miami Open.