27 April 2025
Calbayog City
Business

Finance Department, ibinaba ang privatization goal sa 50 billion pesos

TINAPYASAN ng kalahati ng Department of Finance (DOF) ang kanilang privatization goal ngayong taon sa 50 billion pesos.

Ito’y bilang bahagi ng kanilang hakbang na makapag-generate ng revenues at palawakin ang limitadong fiscal space nang hindi nagpapataw ng bagong buwis.

Sinabi ni Finance Secretary Ralph Recto na plano nila ngayong taon na kumalap ng 50 billion pesos sa privatization proceeds para pondohan ang priority programs ng pamahalaan.

Mas mababa ito ng limampung porsyento kumpara sa original target na 101.02 billion pesos sa ilalim ng revenue program ngayong 2025.

Kahit binawasan ang target, ang privatization revenue ngayong taon ay mas malaki pa rin kumpara noong nakaraang taon na 4 billion pesos lamang.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).