NAGPAKASAL si Claudia Barretto sa kanyang long-time boyfriend na si Basti Lorenzo sa kanilang 10th Anniversary bilang couple.
Nagpalitan ng kanilang wedding vows sina Claudia at Basti sa St. James the Great Parish sa Muntinlupa City.
Dumalo sa intimate wedding ceremony ang ina ni Claudia na si Marjorie, mga kapatid na sina Julia, Dani, Leon at Erich, at ama na si Dennis Padilla.
Present din ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres, maging Gina Hannah at Ella Pangilinan.
Si Basti ay anak ng business tycoon na si Martin Ignacio Lorenzo, at kapatid ng mister ni Erich Gonzales na si Mateo Lorenzo.