8 July 2024
Calbayog City
Entertainment

Pinay magiging pambato ng Spain sa Miss Progress International 2023

ISANG Pinay ang magiging pambato ng Spain sa gaganaping Miss Progress International 2023.

Si Patrixia Jaye Parmerola, na ipinanganak at lumaki sa Manila ay naninirahan na ngayon sa Spain.

Ang pageant ay gaganapin sa Sept. 15 hanggang 25, 2023 sa Italy.

Ayon kay Trixia, simula pagkabata ay aktibo na siya sa iba’t ibang aktibidad, gaya ng theater acting, dancing, playing drums, at taekwondo.

Sumali din siya sa cheerleading.

Noong kaniyang senior year, nakasali siya sa isang dance competition sa isang tv program sa Pilipinas.

Bahagi ng adbokasiya ni Trixia ang pagbibigay pansin sa mga homeless individuals – ang mabigyan sila ng disente, malinis na makakain.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *