20 August 2025
Calbayog City
Local

Pinakamalaking Solar Irrigation Project sa Eastern Visayas, pinasinayaan na

LABIS ang pasasalamat ng mga magsasaka ng bigas sa Barangay Rufina M (RM) Tan sa Ormoc City kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa pagbibigay sa kanila ng Solar Irrigation Project na pinakamalaki sa Eastern Visayas.

Sa pagbisita ni Pangulong Marcos kahapon, personal na pinasalamatan ng mga lokal na magsasaka ang punong ehekutibo, dahil sa pamamagitan ng proyekto ay malaki ang matitipid nila sa gastos sa produksyon.

Hindi na kasi aasa ang mga magsasaka sa Diesel-Powered Motor Pumps para sa irigasyon, kung saan gumagastos sila ng 3,000 hanggang 6,000 pesos sa fuel per cropping.

Inihayag din ni Ronilo Romero, presidente ng RM Tan Solar Pump Irrigation Administration Association na makapagtatanim sila ng tatlong beses kada taon sa halip na tradisyunal na dalawang cropping seasons, na ang ibig sabihin ay dagdag na kita sa para sa kanila.

Kahapon ay ininspeksyon ng pangulo ang 100-Million Peso RM Tan Solar Pump Irrigation Project sa Ormoc City, na may pitong units ng 10 Horsepower Capacity Solar-Powered Pumps sa buong dalawang sites.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).