5 July 2024
Calbayog City
National

Pinakakasuhan ang Airport Personnel na sangkot sa pagkawala ng 300 Dollars ng 1 pasahero

IPINAG-utos ng Department of Transportation (DOTR) ang paghahain ng kaukulang mga kaso laban sa Airport Security Personnel na umano’y sangkot sa pagkawala ng pera ng isang dayuhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa statement, sinabi ng DOTR na inatasan ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang Office of Transportation Security (OTS) na agad kasuhan ang Security Screening Personnel na sangkot sa September 8 incident sa NAIA Terminal 1.

Inatasan ni Bautista si Transportation Undersecretary for Legal Atty. Reinier Yebra na tumulong sa pagsasampa ng reklamo laban sa mga nagsabwatan para pagnakawan ang handcarried bag ng isang Chinese passenger.

Sa mga naunang reports, tatlong OTS personnel ang iniimbestigahan makaraang makita sa CCTV footage ang isang babaeng personnel na may isinubong papel sa kanyang bibig saka uminom ng tubig.

Nagsagawa ng inspeksyon sa lahat ng personnel makaraang isang pasahero ang nagreklamo na nawawalan ng 300 dollars na cash.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *