NAKAPAGPAHIRAM ang maliliit bangko ng 6.71 billion pesos sa Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs), as of Nov. 2023.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ito’y bilang alternative form of compliance sa reserve requirements ng mga bangko.
Sinabi ng BSP sa report na ang iba pang segments sa industriya, gaya ng rural at cooperative banks, ay inobliga na magpautang ng 12.4 million pesos bilang pagtalima sa naturang requirments.
Noong covid-19 pandemic, pinayagan ng Central Bank ang mga bangko na isama ang kanilang loans sa MSMEs at mga negosyong naapektuhan ng pandemya bilang bahagi ng kanilang compliance sa reserve requirements.