POSIBLENG mawalan ang Pilipinas ng hanggang 1.89 billion dollars o 107.6 billion pesos sa exports na karamihan ay sa mechanical at electrical equipment sa Amerika.
Ito, ayon sa house of representatives think tank, kapag tinotoo ni US President Donald Trump ang banta nito na magpapataw ng mas mataas na taripa.
Sinabi ng Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD) na maaring bumaba ang net loss sa 1.6 billion dollars bunsod ng tinatawag na trade diversion benefits.
Nakasaad sa CPBRD report ang pag-aaral tungkol sa potential impact ng US tariff pronouncements sa Pilipinas sa ilalim ng ikalawang Trump Administration.
Ang Amerika ang nangunang destinasyon para sa Philippine-Made goods noong nakaraang taon, na may exports na nagkakahalaga ng 12.12 billion dollars o 16.6% ng total export sales.