NAIPADALA na ng Pilipinas ang Note Verbale sa China kaugnay ng pinakahuling insidente sa Ayungin Shoal sa pagitan ng mga Pilipinong Sundalo at mga miyembro ng China Coast Guard, na ikinasugat ng ilang Pinoy.
Kinumpirma ito ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, sa isang International Media Conference, kung saan tinalakay niya ang isyu sa West Philippine Sea.
ALSO READ:
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Inihain ng DFA ang Diplomatic Protest noong nakaraang Linggo laban sa hakbang ng China sa Routine Resupply Mission ng Pilipinas noong June 17.
Sinabi ni Manalo na nakausap na niya si Chinese Ambassador Huang Xilian tungkol sa insidente subalit hindi na ito nagbigay pa ng mga detalye.
