Maganda ang pagsisimula ng Philippines’ boys and girls under-14 junior teams sa pre-qualifying event ng ITF World Junior Tennis Championships sa Colombo, Sri Lanka.
Tatlo ang naipanalong laro ng Philippine girls team sa opening day ng group stage laban sa Oman, habang pinadapa ng boys team ang Iraq sa singles at double match.
Ito ang kauna-unahang mga panalo ng Pilipinas mula nang mapabilang muli ang bansa sa ITF, matapos bawiin ang suspensyon sa Philippine Tennis Association noong nakaraang buwan.