IBINIDA ng Department of Tourism (DOT) na kumita ang Pilipinas ng mahigit 65 billion pesos mula sa mga produkto at serbisyo na may kaugnayan sa turismo sa unang buwan ng 2025.
Itinuturing ito ni Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco, na senyales na nakabangon na ang turismo ng bansa mula sa epekto ng pandemya.
Batay sa tala ng DOT, ang tourism revenue noong Enero ay mas mataas kumpara sa 43 billion pesos na nai-record noong January 2019, bago tumama ang covid-19 pandemic.
Samantala, inihayag din ng ahensya na kabuuang 1,167,908 foreign travelers ang bumisita sa Pilipinas sa unang dalawang buwan ng 2025.