NAITAWID ng Philippine Men’s Football Team sa 1-1 draw laban sa Myanmar ang simula ng kanilang kampanya sa 2024 ASEAN Championship, sa Rizal Memorial Stadium, kagabi.
Sa pamamagitan ng well-taken spot kick ni Bjorn Kristensen sa 72nd minute ay naitabla ng Pilipinas ang score, matapos maitala ni Maung Maung Lwin ang opening score para sa Myanmar sa 25th minute.
Inakala pa ng Myanmar na nakuha nila ang second goal sa 63rd minute sa pamamagitan ni Ye Ying Aung, subalit ni-rule out ito ng video assistant referee.
Magbabalik aksyon ang Pilipinas sa linggo, Dec. 15, laban sa laos, sa New Laos National Stadium sa Vientiane.