INALIS na ng Pilipinas sa pamamagitan ng Department of Agriculture (DA) ang ban sa importasyon ng domestic, wild birds, at poultry products mula sa Californa at South Dakota sa Amerika.
Sa Memorandum Order No. 37 na nilagdaan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel pinayagan na muli ang pag-a-angkat ng mga naturang hayop at produkto mula sa dalawang estado sa US.
Airline companies, pinaalalahanan ng DOTr sa pagbibigay ng napapanahong flight updates sa mga pasahero
Asian Development Bank, nagtalaga ng bagong Country Director sa Pilipinas
Foreign Investment Pledges, bumagsak ng 64% sa ika-2 quarter ng taon
Philippine Rice Import Forecast, ibinaba ng USDA bunsod ng 2 buwan na ban sa pag-aangkat ng bigas
Ang pagbawi sa importation ban ay ipinag-utos makaraang wala nang nai-report na anumang bagong outbreak ng avian influenza simula noong Hunyo at Mayo ngayong taon.
Ipinatupad ang temporary ban sa birds at poultry products mula sa California noong Enero habang Nobyembre naman ng nakaraang taon nang ipagbawal ang importasyon mula sa South Dakota.