5 July 2024
Calbayog City
National

Pilipinas, Australia lumagda sa Joint Declaration on Strategic Partnership

joint declaration

Matapos ang bilateral meeting sa pagitan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Australian Prime Minister Anthony Albanese, pinirmahan ng dalawang lider ang Joint Declaration on Strategic Partnership na tanda ng pagpapatibay ng relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Australia.

Nagsagawa rin ng Joint Press Statement si Pangulong Marcos at PM Albanese kung saan kanilang inihayag na ang pinirmahang kasunduan ay mas magpapaigting sa relasyon at kooperasyon ng mga bansa sa pagtugon sa mga isyu sa ekonomiya, kapayapaan, at seguridad.

Ayon kay Marcos, matagal na ang kooperasyon ng dalawang bansa at higit na mas matagal ang pagkakaibigan nito.

Sinabi ng pangulo na makatutulong sa growth at prosperity ng dalawang bansa ang nilagdaang kasunduan.

Sinabi naman ni Albanese na ang nilagdaang kasunduan ay mahalagang simbolo ng mas pinatibay na relasyon ng dalawang bansa. Kabilang aniya sa napagkasunduan ay ang mas maigting na kooperasyon sa usapin ng regional at national security.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *