15 March 2025
Calbayog City
National

Pilipinas at Cambodia, palalawakin pa ang ugnayan sa pagnenegosyo

SUMABAK sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Cambodian Prime Minister Samdech Moha Borvor Thipadei Hun Manet sa bilateral meeting sa Malakanyang.

Si Hun Manet na nasa ikalawang araw ng kanyang pagbisita sa Pilipinas ay binigyan ng arrival honors sa Kalayaan grounds ng palasyo, kahapon.

Kasama ni Marcos na sumalubong sa Cambodian PM sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, Finance Secretary Ralph Recto, Trade Secretary Maria Cristina Roque, at iba pang mga miyembro ng gabinete.

Lumagda rin si Hun Manet sa guest book bago ang bilateral meeting nila ni Pangulong Marcos.

Ito ang unang pagbisita ng Cambodian leader sa Pilipinas na ang layunin ay palakasin ang kooperasyon sa paglaban sa transnational crimes, defense, trade, tourism, at regional and multilateral cooperation, sa pagitan ng dalawang bansa.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).