27 April 2025
Calbayog City
National

Philippine team, nasa Myanmar na para tumulong sa relief at response operations kasunod ng malakas na lindol

DUMATING na sa Myanmar ang ipinadalang rescue and medical team ng Philippine government para sa dalawang linggong humanitarian mission sa bansang niyanig ng magnitude 7.7 na lindol.

Ang unang batch ng responders na binubuo ng limampu’t walong personnel ay umalis sa Pasay City kahapon ng umaga, lulan ng dalawang C-130 aircraft.

Ang team na pinamumunuan ni Lt. Col. Erwen Diploma, ay kinabibilangan ng volunteers mula sa Philippine Army, Philippine Air Force, Bureau of Fire Protection, Metropolitan Manila Development Authority, Department of Environment and Natural Resources, at coordinators mula sa Office of Civil Defense.

Bukod sa search-and-rescue personnel, nag-deploy din ng Philippine medical assistance team na specialized unit sa ilalim ng Department of Health para tumulong sa mga nasugatan.

Nakatakda namang umalis ngayong Miyerkules patungong Myanmar ang natitirang tatlumpu’t tatlong miyembro ng rescue at medical team.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).