UMAASA ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na madaragdagan ang Electronics Services and Semiconductor Manufacturing Services (EMS-SMS) investments sa mga economic zones.
Sinabi ni PEZA Director General Tereso Panga na plano ng investment promotion agency na itaas ang share ng EMS-SMS, Information Technology and Business Process Management, at American Registered Business Enterprises, sa loob ng kanilang ecozones.
Tiwala si Panga na aangat ang Philippine Economy at electronics industry sa pamamagitan ng sustained momentum.
Aniya, maging ang global electronics industry ay tinatayang lalago ng 7.5 percent ngayong 2025, indikasyon ng mas magandang pananaw mula sa mabagal na performance sa nakalipas na dalawang taon.